Image Hosted by ImageShack.us


Monday, May 15, 2006
Overflow

Pagkatapos ng malakas na hangin at malakas na ulan.. ay magsisilabasan na ang kaaway nating lahat.. ang sipon, lagnat, ubo, dengue, sakit sa ulo, rayuma, arthritis, bulsang walang laman, maingay na paghilik ng kasama sa bahay at iba pa.
at mukhang tinamaan na ako ng lintek.. ito kasing kaopisina ko.. hatsing ng hatsing.. hindi muna takpan ang bibig.. ayun, ikot na maige ang viruses ever sa loob ng opisina..takbo agad ako sa clinic at humingi agad ng biogesic.. magaling na yung may nakahanda mamayang gabi.. kasi pakiramdam ko tumalab na ang viruses niya...

walang power sa bahay namin sa batangas.. ang mga kapitbahay nagkameron na.. kami wala pa.. updated naman kami sa bayaran... honga pala.. may humambalang na malaking sanga ng mangga sa linya ng aming kuryente....

format ko mamayang gabi ang computer ko sa bahay.. nakaiskor na kasi ako ng additional na 80gig harddisk para sa mga downloads ko. matutuwa na naman si leoncio nito...



Posted at 04:30 pm by penoycentral
Ang MGA KABAGIN(3)  




Friday, May 12, 2006
DVD Galore Again

Weekend na naman mga pipol!!!! Nanghiram ako ng mga DIBIDI kay Boy Dapa, at sa sobrang dami ng nahiram ko sa kanya.. mukhang hindi ko kayang tapusin ito ng dalawang araw.
Kapag nasa probisnya ako, taong bahay akong maiituring.. mas gusto ko na nasa loob lang ng bahay... kakain kapag nagugutom, tutulog kapag inaantok, kakain uli kahit hindi gutom..  at gusto ko din na nakikita ang mga makukulit at nangbubugbog na mga pamangkins...
Computers??magaling na lang at nasa boarding house dito sa makati ang PC ko.. kung nasa probinsya, siguradong pitong araw sa isang linggo ako nasa harap ng monitor.. magaling na lang at hindi pa ko nangangailangan ng salamin sa mata... ayaw kong magmukhang genius, dahil wala akong Kukute....
2 Concert dibidi ang pinahiram sa kin ni Boy dapa... Pearl Jam at Audioslave... Rak en roll na naman ito sa bahay at siguradong magagalit na naman ang mga kapitbahay nito...

Hapi weekend pipol... and remember...

"Eat Penoi, and observe proper diet"



Posted at 08:05 am by penoycentral
Ang MGA KABAGIN(5)  




Thursday, May 11, 2006
Kabataang Pinoy by Itchyworms MP3

Kabataang Pinoy by Itchyworms MP3

Ayaw ko ng Pinoy Big Brother!!!!


Posted at 01:00 pm by penoycentral
Mga NAPAUTOT sa ITLOG!!!!  




Wednesday, May 10, 2006
Ikot

Nakaleave ako kahapon...maraming inasikasong mga abubuts... tapos ng pumasok kanina akong umaga, nalaman ko na lang na walang internet connection kami... na-restore lang ang connection ngayon lang hapon....

Mukhang hindi na-break ni David Blane ang record... ang masama, muntikan pa siyang malunod sa kanyang ginawa... ano ba ang feeling nya.. isda????

Magbubukas ng Imax theater sa Mall of Asia, ang unang ipapalabas nila ay ang expedition ni Garduce sa Everest.. Sana mapanood ko ito, kulay green kasi ang Everest sa TV namin sa bahay eh....

I still dont like Pinoy Big Brother!!!!



Posted at 04:22 pm by penoycentral
Ang MGA KABAGIN(3)  




Saturday, May 06, 2006
Prince of Disguise

"Simple Mathematics, Cannot Solve It.. How can you graduation?"

yan ang madalas namin sambitin ng classmates ko noong college kapag may binigay sa min ang aming professor na hindi namin ma-solve.. eh mas madalas na hindi namin nga ma-solve.. mabuti na lang, andyan si Kukote..

After 5 years, may kanya-kanya na kaming work... kanya-kanya ding trip sa daang tinahak kami.. may nagpakadalubhasa na sa programming, ang iba sa system administration, network administrator.. ako naman telephone operator...pero hindi naman ako call boy...

Saturday.. dapat rest day ko.... dumaan ang boss ko sa office... "Duty???" ang tanong nya... "Opo" ang aking sagot...

Nagkaroon ng isang maliit na hiwa ang aking hinliliit.. hindi ko alam kung saan galing.. wala naman akong hinawakan na matalas na bagay tulad ng blade.. at kung hihiwain ko ang sarili ko, sa may pulso agad, para daw mas madali sabi ni Lady Choi ng Jewel in the Palace...

Free Pizza na naman kami kagabi sa bahay.. courtesy ng sustento ni Allan sa barkada...



Posted at 10:43 am by penoycentral
Ang MGA KABAGIN(10)  

No Discrimination Concert Pics

Thanks Askals for dropping by sa blog ko... heto yung mga pics from the No Discrimination Concert



ASKALS









The WUDS








Bad OMEN






Philippine Violators






Posted at 09:05 am by penoycentral
Ang MGA KABAGIN(3)  




Friday, May 05, 2006
Usapan Lang

Chat with my MIS co-employee

penoi: hindi ko nga alam kung uuwi ako ng Batangas ngayon eh

Co-employee: uwi na kayo sir, malapit lang naman

penoi: kaya mo ng mag-troubleshoot kung sakaling magkaproblem?

Co-employee: wang na kayong umuwi sir :)

Co-employee: Txt ko na lang kayo sir sa madaling araw kung sakaling may prob...

penoi: k





Posted at 04:25 pm by penoycentral
Ang MGA KABAGIN(3)  

Filipino pleads Guilty to Hacking

Filipino pleads guilty to hacking, another waste of talent. Kung talent nga bang matatawag yun. Pero yung process nya ng pagpasok sa system ng Sitel to acquire credit card information, matatawag yung talent.. but the fact na sa address nya pinadala ang mga goods na nabili nya thru stolen credit cards info, doon sya nadale...huwag mag-iiwan ng traces....

Kung titingnan ito sa different perspective, makakakuha ng magandang information dito ang Sitel. Kung baga, may flaws or butas ang kanilang system... maaaring butas nga ng system, or maaari nadale lang sila ng Social Engineering.... In this experience, mas mahihigpitan pa nila ang security ng system nila.. bagkus, dapat pa silang magpasalamat kay Jeffric Carlos Abiera. Yun nga lang, without consent ng company ang ginawa ni Abiera, he should pay the price.

Mukhang hindi ako makakauwi this weekend, ikakasal na kasi yung isang MIS. Walang magbabantay ng mga servers namin dito.. kung sakaling magkaproblema, eh baka nasa probinsya ako, magdodown ang production.

Happy weekend sa lahat.. Rock n roll lang palagi!!!





Posted at 12:12 pm by penoycentral
Ang MGA KABAGIN(4)  




Thursday, May 04, 2006
Electric Fun

---usapang musika
Bakit "Electric Fun" ang title?? wala lang... naalala ko lang kasi ng minsan magbuo kami ng newwave band ng mga pinsan ko.. at yang title na yan ang isa sa mga nagustuhan namin...

Boy Dapa will buy(?) his own electric guitar.. maybe we can start our project band named "Fart Session".. sayang kasi.. marami kaming compositions na nabubulok lang sa baul ng mamay....



-- usapang computer
Umatend ako sa Globalknowledge Seminar on Computer Hacking and Forensic last Friday... for a 5 hour seminar, marami akong natutunan... hindi ako inantok.. thanks to their coffee, Ice tea and sandwiches....sulit ang P550 na fee.


-- anik-anik na mga usapan
Nakuha ko na after almost 5 years ang diploma ko, salamat naman at hindi pa nila ginagawang pangbalot ng tuyo at sapsap ang aking diploma.

Mahirap pala ang may kapangalan, nagrenew ako sa Glorietta ng NBI.. kelangan ko pa daw pumunta sa main office at may kapangalan daw ako...

Mahaba din ang pila sa Cerbilis center ng NSO.. mukhang marami ang nagpapa-authenticate ng kanilang birth certificate.. requirements kasi yun kapag nag-apply ka sa Pinoy Big Brother.



Posted at 12:05 pm by penoycentral
Ang MGA KABAGIN(5)  




Tuesday, May 02, 2006
Inosente lang ang Nagtataka

Dumalo kami ni Boy Dapa ng isang konsyerto ng mga underground na banda.. Ito ay may pamagat na "No Discrimation Rock Myx Up 2".. Papunta pa lang kami ni Boy Dapa, muli namin naalala ang nakaraan namin bilang underground na banda sa Batangas... Karamihan kasi sa tutugtog ay may konting impluwensya sa amin tulad ng The Wuds, Bad Omen, Askals at Philippine Violators...

Pagdating namin sa venue, nagulat kami...eh kasi naman, lahat yata ng manonood ay puro kabataan, at mukhang kami lang ang katandaan....

As usual sa mga ganitong konsyerto, mananakit at mabibingi ka hindi lang sa mga tinutogtog ng mga banda.. kundi na din sa mga feedback ng kanilang gitara... muling bumalik ang nakaraan lalo na ng sumalang na ang Bad Omen na tinugtog ang paborito kong kanta nila na "Maling Sistema".. ang The Wuds tinira ang "Nakalimutan ang Diyos, Bayan bayanan" at "Inosente lang ang Nagtataka"

Bago matapos ang konsyerto, nakabasag si Boy Dapa ng bubog ng lamesa....


Philippine Violators





Posted at 07:44 pm by penoycentral
Ang MGA KABAGIN(5)  




Previous Page Next Page



penoycentral
Penoi/Corporate Slave/Addict sa Pagtulog na may Insomia/Mountaineer na may Fear of Heights/ex-Porno Star/Moody na walang Reaksyon sa Mukha/Mahilig manood ng mga movie kahit paulit ulit/Cartoon Addict/


   





<< September 2006 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02
03 04 05 06 07 08 09
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30




free web page counters
For Budget 2006
upgrade PC to 1gig Mem-done
80gig HDdone
Computer Monitor
Olympus 128mb xD-done


To Do 2006
Holy Week Akyat
Mt Apo Akyat in July
Passport Apply
Try to collect Audio CD's
Anger Management


MGA BALOT VENDOR
Penoy's Image Works
Penoy's Tech Central
Boy DAPA
Bayaw Owen
ituloy angsulong
MRS. Boy DAPA
Life is Fun-DaK
A Bog's Life
Awtistiks
eLf Ideas
Vemsan
Batangas Open Source Society
Lakdaw Mountaineers
Mikmik
DeeJei
Clown Testi
Tekla's Litanya
Tutubing Karayom
MistyJoy
Neng
Phoebe
Pinoy Jokes and Funny SMS Text Messages

Get Firefox!








If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed