Image Hosted by ImageShack.us


Thursday, May 18, 2006
Penoi Spoiler

Sa wakas may nakarating ng penoi sa tuktok ng Mt Everest... congrats kay Leo Oracion... at sana makarating lahat ng sumubok na pinoy na makarating sa summit ng Mt. Everest....

Nang nasa summit na si Leo ng Mt. Everest... nagtext siya kay Garduce... eto ang nilalaman ng text niya...

"D2 n me... Asan n U???"



Posted at 03:43 pm by penoycentral
Ang MGA KABAGIN(6)  




Wednesday, May 17, 2006
Happy Fiesta sa Amin!!!

Happy fiesta sa bayan namin.. sana naman ay naging matiwasay ang celebration ng fiesta.... at kung andyan ako, baka isa ako sa mga katawang nakahandusay sa daan sa sobrang kalasingan(ng saya!!!)

at habang nagsasaya sila doon, ako naman ay andito sa opisina at pilit tinatapos ang mga pending na trabaho....minabuti kong hindi umuwi at ayokong maulit na naman ang magbyahe ng may hang-over...omigash,sobrang hirap talaga noon.

may mga nagbago sa plans ko this 2006, sana ay maayos ito.. akala ko noong isang linggo ay tuloy tuloy na.. hindi pala.. kailangan gumawa ng mga backup plans.. :)

sobrang busy as usual, magtext sa mga fwendster ay hindi magawa...pagdating sa bahay, tulog, kain then harap ulit sa monitor upang magbasa ng kung ano-anong bagay...

may nagtanong sa akin "what is life??"
ang sagot ko, "life is beautiful, and then you die!!!!"




Posted at 04:18 pm by penoycentral
Ang MGA KABAGIN(3)  




Tuesday, May 16, 2006
Testing Smart Bro

Kahapon dumaan ako sa dati kong bahay para ibigay ang mga CD ni fafa jon.  Nakainstall na pala ang Smart Bro ni Boy Dapa.... mukhang hindi pa ako masisiyahan sa connection ng Bro... mabilis then magaling ba kung biglang babagal, ang masama nga, biglang mawawala.. basahin ang ilang detalye sa post ni Boy dapa sa Qroonix

almost 2am na ako natulog kahapon.. ininstall ko na ang bago kong harddisk ng computer ko sa bahay.. restore ng mga necessary applications.... at muntikan na akong magkaroon ng problema sa sounds niya kasi i don't RTFM(read the fuckin
manual)

Fiesta bukas sa amin sa Batangas.. kaya mam tekla at mam clown.. hehehe, punta kayo sa bahay... yun nga lang...wala ako dun... :)

Past years, may open concert lagi kami sa may likod ng baranggay hall tuwing bisperas ng fiesta... hindi ko lang alam kung hanggang ngayon ganun pa din.. almost 3 years na din kasi na hindi ako umuuwi tuwing fiesta sa min...



Posted at 08:01 am by penoycentral
Ang MGA KABAGIN(7)  




Monday, May 15, 2006
Overflow

Pagkatapos ng malakas na hangin at malakas na ulan.. ay magsisilabasan na ang kaaway nating lahat.. ang sipon, lagnat, ubo, dengue, sakit sa ulo, rayuma, arthritis, bulsang walang laman, maingay na paghilik ng kasama sa bahay at iba pa.
at mukhang tinamaan na ako ng lintek.. ito kasing kaopisina ko.. hatsing ng hatsing.. hindi muna takpan ang bibig.. ayun, ikot na maige ang viruses ever sa loob ng opisina..takbo agad ako sa clinic at humingi agad ng biogesic.. magaling na yung may nakahanda mamayang gabi.. kasi pakiramdam ko tumalab na ang viruses niya...

walang power sa bahay namin sa batangas.. ang mga kapitbahay nagkameron na.. kami wala pa.. updated naman kami sa bayaran... honga pala.. may humambalang na malaking sanga ng mangga sa linya ng aming kuryente....

format ko mamayang gabi ang computer ko sa bahay.. nakaiskor na kasi ako ng additional na 80gig harddisk para sa mga downloads ko. matutuwa na naman si leoncio nito...



Posted at 04:30 pm by penoycentral
Ang MGA KABAGIN(3)  




Friday, May 12, 2006
DVD Galore Again

Weekend na naman mga pipol!!!! Nanghiram ako ng mga DIBIDI kay Boy Dapa, at sa sobrang dami ng nahiram ko sa kanya.. mukhang hindi ko kayang tapusin ito ng dalawang araw.
Kapag nasa probisnya ako, taong bahay akong maiituring.. mas gusto ko na nasa loob lang ng bahay... kakain kapag nagugutom, tutulog kapag inaantok, kakain uli kahit hindi gutom..  at gusto ko din na nakikita ang mga makukulit at nangbubugbog na mga pamangkins...
Computers??magaling na lang at nasa boarding house dito sa makati ang PC ko.. kung nasa probinsya, siguradong pitong araw sa isang linggo ako nasa harap ng monitor.. magaling na lang at hindi pa ko nangangailangan ng salamin sa mata... ayaw kong magmukhang genius, dahil wala akong Kukute....
2 Concert dibidi ang pinahiram sa kin ni Boy dapa... Pearl Jam at Audioslave... Rak en roll na naman ito sa bahay at siguradong magagalit na naman ang mga kapitbahay nito...

Hapi weekend pipol... and remember...

"Eat Penoi, and observe proper diet"



Posted at 08:05 am by penoycentral
Ang MGA KABAGIN(4)  




Thursday, May 11, 2006
Kabataang Pinoy by Itchyworms MP3

Kabataang Pinoy by Itchyworms MP3

Ayaw ko ng Pinoy Big Brother!!!!


Posted at 01:00 pm by penoycentral
Mga NAPAUTOT sa ITLOG!!!!  




Wednesday, May 10, 2006
Ikot

Nakaleave ako kahapon...maraming inasikasong mga abubuts... tapos ng pumasok kanina akong umaga, nalaman ko na lang na walang internet connection kami... na-restore lang ang connection ngayon lang hapon....

Mukhang hindi na-break ni David Blane ang record... ang masama, muntikan pa siyang malunod sa kanyang ginawa... ano ba ang feeling nya.. isda????

Magbubukas ng Imax theater sa Mall of Asia, ang unang ipapalabas nila ay ang expedition ni Garduce sa Everest.. Sana mapanood ko ito, kulay green kasi ang Everest sa TV namin sa bahay eh....

I still dont like Pinoy Big Brother!!!!



Posted at 04:22 pm by penoycentral
Ang MGA KABAGIN(3)  




Saturday, May 06, 2006
Prince of Disguise

"Simple Mathematics, Cannot Solve It.. How can you graduation?"

yan ang madalas namin sambitin ng classmates ko noong college kapag may binigay sa min ang aming professor na hindi namin ma-solve.. eh mas madalas na hindi namin nga ma-solve.. mabuti na lang, andyan si Kukote..

After 5 years, may kanya-kanya na kaming work... kanya-kanya ding trip sa daang tinahak kami.. may nagpakadalubhasa na sa programming, ang iba sa system administration, network administrator.. ako naman telephone operator...pero hindi naman ako call boy...

Saturday.. dapat rest day ko.... dumaan ang boss ko sa office... "Duty???" ang tanong nya... "Opo" ang aking sagot...

Nagkaroon ng isang maliit na hiwa ang aking hinliliit.. hindi ko alam kung saan galing.. wala naman akong hinawakan na matalas na bagay tulad ng blade.. at kung hihiwain ko ang sarili ko, sa may pulso agad, para daw mas madali sabi ni Lady Choi ng Jewel in the Palace...

Free Pizza na naman kami kagabi sa bahay.. courtesy ng sustento ni Allan sa barkada...



Posted at 10:43 am by penoycentral
Ang MGA KABAGIN(7)  

No Discrimination Concert Pics

Thanks Askals for dropping by sa blog ko... heto yung mga pics from the No Discrimination Concert



ASKALS









The WUDS








Bad OMEN






Philippine Violators






Posted at 09:05 am by penoycentral
Ang MGA KABAGIN(2)  




Friday, May 05, 2006
Usapan Lang

Chat with my MIS co-employee

penoi: hindi ko nga alam kung uuwi ako ng Batangas ngayon eh

Co-employee: uwi na kayo sir, malapit lang naman

penoi: kaya mo ng mag-troubleshoot kung sakaling magkaproblem?

Co-employee: wang na kayong umuwi sir :)

Co-employee: Txt ko na lang kayo sir sa madaling araw kung sakaling may prob...

penoi: k





Posted at 04:25 pm by penoycentral
Ang MGA KABAGIN(3)  




Previous Page Next Page



penoycentral
Penoi/Corporate Slave/Addict sa Pagtulog na may Insomia/Mountaineer na may Fear of Heights/ex-Porno Star/Moody na walang Reaksyon sa Mukha/Mahilig manood ng mga movie kahit paulit ulit/Cartoon Addict/


   





<< July 2017 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01
02 03 04 05 06 07 08
09 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31




free web page counters
For Budget 2006
upgrade PC to 1gig Mem-done
80gig HDdone
Computer Monitor
Olympus 128mb xD-done


To Do 2006
Holy Week Akyat
Mt Apo Akyat in July
Passport Apply
Try to collect Audio CD's
Anger Management


MGA BALOT VENDOR
Penoy's Image Works
Penoy's Tech Central
Boy DAPA
Bayaw Owen
ituloy angsulong
MRS. Boy DAPA
Life is Fun-DaK
A Bog's Life
Awtistiks
eLf Ideas
Vemsan
Batangas Open Source Society
Lakdaw Mountaineers
Mikmik
DeeJei
Clown Testi
Tekla's Litanya
Tutubing Karayom
MistyJoy
Neng
Phoebe
Pinoy Jokes and Funny SMS Text Messages

Get Firefox!








If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed