Image Hosted by ImageShack.us


Friday, May 26, 2006
Elementari!!!!


Penoi Grade 6 Class Piktyur


Nagkaroon kami ng mga classmate ko noong elementary, I might say na successful din naman kami on our fields.. lahat may work, lahat hindi adik...

Kuwentuhan, kulitan, kumustahan.... at sa mga ganitong pagkakataon... hindi din maiwasan na muling balikan ang mga nakaraan.. mga titser na matatapang, nangungurot at nagmumura...

Mga naaalala ko noong Elementary ako...

Grade One: ang aming titser na sobrang trip ang magturo sa Row 4.. mga estudyante na kung saan ang upuan ay kalapit ng Dayban...(dayban - lagayan ng walis tingting, basahan at bunot).  Mahilig din pakantahan sa kaniyang mga estudyante ang mga pupil niyang natutulog.. "Natutulog, natutulog si Toper, si Toper, ating ng gisingin, atin ng gisingin..."..  hindi kami pumapalya na sumulat ng "Our News" tuwing umaga....maaga akong pumapasok.....kaya ako ang taga-hawak ng susi ng room

Grade Two: titser naming sobrang trip na magpatapon ng kaniyang arinola sa akin... gumawa ng kaniyang sariling kubeta sa loob ng room namin.... maaga akong pumapasok.. kaya ako ang taga-hawak ng susi ng room

Grade Three: ang hindi ko malilimutang titser na kung saan, nakatikim ako ng kurot at sabunot... sobrang napahiya ako sa nililigawan kong kaklase noon....first time kong ma-broken heart dahil sa kanya...dito ko nakamit ang una kong panalo sa isang paligsahan.. Best in Reading.... maaga akong pumapasok.. kaya ako ang taga-hawak ng susi ng room

Grade Four: hindi ko na maalala kung ano ba ang nagawa niya sa min... kalahati ng taon ay pinaampon lang niya kami sa mga nag-OOJT na mga substitute Titser... hindi ako naging Honor, ang sabi niya.. kulang pa ako ng points para maging honor... hindi ko nakuha ang pinangakong Relo sa kin ng inay.. kasi hindi ako naging Honor....first time kong mawalan ng tiwala sa sarili.. mabuti na lang at madalas akong nakikinig kay Helen Vela na kung saan dahil sa kanyang mga payo sa mga nakikinig sa radyo, muling nanumbalik ang sigla ko sa buhay.... maaga akong pumapasok.. kaya ako ang taga-hawak ng susi ng room...

Grade Five: ang adviser namin dito ang taong pinanganak na kakambal ay numero... magaling sa math... titser siya ng ina ng aming kaklase, na kung saan naging titser din ng panganay sa kanila, ng pangalawa, ng pangatlo.. at ngayon.. titser niya.... maaga akong pumapasok.. kaya ako ang taga-hawak ng susi ng room

Grade Six: good ako sa adviser namin strikta...panlaban kasi niya ako sa Quiz Bee ng History.. hanggang ngayon hindi ko pa din malilimutan ang ilang mga Trivia sa Philippine History... kaya ingat ka lang Kris Aquino.. kapag ang 1 Million peso question mo ay ang buong pangalan ni Jose Rizal.. pagugulungin kita... Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda(hindi ako nag-Google dito.. pakitingnan na lang kung tama ako... kung tama nga ako....milyonaryo ako...)... maaga akong pumapasok.. kaya ako ang taga-hawak ng susi ng room...


Posted at 10:56 am by penoycentral

Kapihan
May 29, 2006   09:10 PM PDT
 
yung kamukha ni diego :P

Si penoi eh yung patatlo mula sa kaliwa sa pinakataas ng picture, he he he.
ycel
May 27, 2006   06:44 AM PDT
 
penoi penoi asan ka dun? hehe
Kapihan
May 26, 2006   08:09 PM PDT
 
Hanggang ngayon, maaga pa ring pumasok, kaya lang iba-ibang susi na ang hinahawakan nya. Mga susi ng kwarto ng chicks :P
 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments







Previous Entry Home Next Entry



penoycentral
Penoi/Corporate Slave/Addict sa Pagtulog na may Insomia/Mountaineer na may Fear of Heights/ex-Porno Star/Moody na walang Reaksyon sa Mukha/Mahilig manood ng mga movie kahit paulit ulit/Cartoon Addict/


   





<< May 2006 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05 06
07 08 09 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30 31




free web page counters
For Budget 2006
upgrade PC to 1gig Mem-done
80gig HDdone
Computer Monitor
Olympus 128mb xD-done


To Do 2006
Holy Week Akyat
Mt Apo Akyat in July
Passport Apply
Try to collect Audio CD's
Anger Management


MGA BALOT VENDOR
Penoy's Image Works
Penoy's Tech Central
Boy DAPA
Bayaw Owen
ituloy angsulong
MRS. Boy DAPA
Life is Fun-DaK
A Bog's Life
Awtistiks
eLf Ideas
Vemsan
Batangas Open Source Society
Lakdaw Mountaineers
Mikmik
DeeJei
Clown Testi
Tekla's Litanya
Tutubing Karayom
MistyJoy
Neng
Phoebe
Pinoy Jokes and Funny SMS Text Messages

Get Firefox!








If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed